^

Probinsiya

2 todas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa-katao na sinasabing miyembro ng gun running syndicate ang napatay matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa sinalakay na hideout ng grupo sa Barangay Poblacion, bayan ng Talusan, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Sa ulat P/Chief Supt. Miguel Antonio Jr. na isi­numite sa Camp Crame, kinilala ang mga napatay na sina Edris Mohamad at Basilisa Llanos na kapwa target sa search warrant na inisyu ng korte habang sugatan naman si PO2 Noriel Laureta ng raiding team  at ilang sibilyan kabilang ang dalawang menor-de-edad.

Bandang alas-3:50 ng madaling araw nang sala­kayin ng mga operatiba ng Provincial Public Safety Company ang hideout ng mga suspek sa nasabing barangay.

Nasakote naman ang isa pang suspek na si Noel Llanos habang nasamsam naman ang anim na matataas na kalibre ng armas kabilang ang AK-47 rifle, M4 assault rifle at cal. 45 pistol.

“The raid was part of  One Time Big Time ope­rations launched against criminal gangs and wanted persons under the Lambat-Sibat anti- crime strategy,”pahayag ng opis­yal.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY POBLACION

BASILISA LLANOS

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

EDRIS MOHAMAD

MIGUEL ANTONIO JR.

NOEL LLANOS

NORIEL LAURETA

ONE TIME BIG TIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with