Chairman nilikida ng tandem
MANILA, Philippines – Bulagta ang 45-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center ang biktimang si Chairman Angkang Manan, may asawa, ng Barangay Tabuan Lasa Salupin Proper sa Isabela City, Basilan. Sa ulat ni P/Chief Inspector Rogelio Alabata, PNP regional spokesman na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen sa harapan ng gusali ng KGK sa nasabing barangay. Ayon sa imbestigasyon, nasa bisinidad ng nasabing lugar ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng tandem. Nagsitakas naman ang gunmen patungo sa direksyon ng Veterans Avenue sa nasabing lungsod habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest