Kidnaper ng pinugutan na Malaysian timbog!
MANILA, Philippines – Nabitag ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang isang pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na hinihinalang responsable sa pagdukot sa dalawang Malaysian kabilang ang pinugutang si Bernard Ghen Ted Fen at isang Koreano sa isinagawang operasyon sa Jolo Pier, Jolo, Sulu nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni Joint Task Group (JTG) Sulu Commander Brig. Gen. Alan Arrojado ang naarestong Abu Sayyaf kidnapper na si Saddam Jailani na may warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention at iba pang kasong kriminal.
Sinabi ni Arrojado, alas -2:40 ng hapon nang masakote ng security forces si Jailani na aktibong miyembro ni Abu Sayyaf sub-commander Alhabsy Misaya.
Ang grupo umano ni Jailani ang sangkot sa pagbihag sa pinugutan ng ulo noong Nobyembre 17 sa kasagsagan ng APEC Summit sa bansa na si Malaysian engineer Fen, 39 anyos. Si Fen ay binihag ng mga bandido kasama ang manager ng Ocean King Seafood Restaurant sa Sandakan, Sabah, Malaysia noong nakalipas na Mayo 15 ng taong tio. Pinalaya ang nasabing manager noong Nobyembre 8, 2015.
Sina Jailani rin umano ang natukoy na bumihag sa isa pang negosyanteng Koreano na itinago ng grupo sa Sulu.
- Latest