^

Probinsiya

Brgy kagawad binistay ng bala!

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

ANTIPAS, North Cotabato, Philippines – Patay ang isang barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Brgy. Camutan, Antipas, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCI Bernard Tayong, CPPO Spokesperson ang biktima na si Brgy. Kagawad Arnold Delgado Bazar, 42-anyos, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-7 ng umaga habang nasa labas ng kanilang bahay ang biktima at nagpapakain ng kanyang panabong na manok nang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek na nakapuwesto sa bahay ng kanilang kapitbahay na si Melanie Baliguian Gomez.

Nagtamo ng mara­ming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Natamaan naman ng ligaw na bala ang mga biktimang sina Richard Suarez Timbang Jr., 12-anyos, Ronald Teodoro, 30-anyos kapwa residente ng bayan ng Antipas na mabilis na isinugod sa Antipas Medical Hospital.

Patuloy na tinutugis ng pulisya at sundalo ang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTIPAS

ANTIPAS MEDICAL HOSPITAL

BERNARD TAYONG

BRGY

KAGAWAD ARNOLD DELGADO BAZAR

MELANIE BALIGUIAN GOMEZ

NORTH COTABATO

RICHARD SUAREZ TIMBANG JR.

RONALD TEODORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with