P2.7 M halaga ng shabu nasamsam
MANILA, Philippines - May kabuuang P2.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng anti-narcotics operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy bust operation sa Bacolod City.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Ritche Gonzales Villanueva, alias Inlay, 40, ng Manapla, Negros Occidental.
Nabatid na nagsagawa ng isang buy-bust operation ang mga otoridad sa kahabaan ng Lacson St., Barangay Mandalagan na kung saan ay nagpanggap na poseur buyer ang ahente ng PDEA.
Nang mag-abutan na ng items ay dito na inaresto ang suspek at nasamsam ang may 10 heat-sealed transparent plastic sachets na tumitimbang ng 455 gramo.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa suspek.
- Latest