Indian stude nag-joy ride, lasog sa flyover!

MANILA, Philippines — Patay ang isang 24-anyos na estudyanteng Indian national matapos na kumarera sa gitna ng daan at sumemplang habang sakay ng motorsiklo sa bahagi ng isang flyover sa Brgy Banilad, Cebu City kamakalawa.
Kinilala ang nasawing biktima sa pangalan lamang nitong Chetan, estudyante sa Cebu sanhi ng tinamong matinding sugat sa aksidente partikular na sa kanyang ulo.
Sa report ng Cebu City Police, ang insidente ay naganap sa kahabaan ng Gov. Cuenco flyover sa Cebu City.
Nabatid na ang biktima at isang kaibigan nito ay nagmamaneho sa magkahiwalay na motorsiklo kung saan mabilis umano ang pagpapatakbo ng biktima na tila nakikipagkarera.
Ayon sa imbestigasyon, dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng biktima ay sumemplang ang motorsiklong minamaneho nito sa naturang flyover dahilan madulas ang daan sanhi ng mga pag-ulan sa lugar.
Bunsod nito, tumilapon ang biktima sa motorsiklo na sa kamalasan ay humampas pa ang ulo sa konkretong barandilya ng flyover na kanyang ikinasawi.
- Latest
















