^

Probinsiya

Trader ng junkshop itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Patay ang isang negosyante ng mga bote at bakal nang likidahin ng nag-iisang gunman habang nakaupo sa pag-aaring establisim­yento sa Brgy. Bunducan, Bocaue, Bulacan kahapon.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at paa ang biktimang si Edmund “Pito” Roxas, 29, ng Sitio Ipo, Brgy. Bunducan sa naturang bayan.

Kaswal namang naglakad papalayo sa pinangyarihan ng krimen bitbit ang armas na ginamit ng suspek na inilala­rawan lamang sa nakasuot ng itim na t-shirt at comouflage na pantalon.

Sa ulat ni PO2 Rajic Catiis, dakong alas-12:30 ng hapon habang  nakaupo ang biktima sa harapang bahagi ng pag-aaring junkshop sa Sitio Ipo nang biglang lumapit ang isang lalaki saka tinanong kung siya si alyas Pito na sinagot naman ng biktima saka muling nagsalita ang suspek na “Ikaw pala ang bumugbog kay Marlon De Leon.” Dito na binunot ng suspek ang dalang baril na .45 kalibre at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima. 

Narekober ng rumespondeng pulisya ang anim na basyo ng bala habang pinaniniwalaang paghihiganti ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOCAUE

BRGY

BULACAN

BUNDUCAN

DITO

MARLON DE LEON

PITO

RAJIC CATIIS

SITIO IPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with