Barangay councilor bulagta
BATANGAS, Philippines – Napatay ang 53-anyos na barangay councilor matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng Taysan, Batangas noong Biyernes ng gabi. Ayon kay P/Senior Inspector Randy Oliquino, hepe ng Taysan PNP, napuruhan sa ulo ang biktimang si Councilor Felipe Sarmiento ng Barangay Dagatan sa nasabing bayan. Base sa police report, nakatayo sa harap ng pag-aaring Small Town Lottery outlet ang biktima nang lapitan at ratratin sa ulo bandang alas-6:45 ng gabi. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest

















