P3 M halaga ng shabu nasabat sa Dumaguete
MANILA, Philippines – Arestado ang isang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga sa Dumaguete City, ayon sa the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Huwebes.
Nakilala ang suspek na si Josephine Cabasag, 46, ng Crossing Taclobo, Taclobo, Dumaguete City.
Nasakote si Cabasag nitong Lunes sa isang buy bust operation ng mga awtoridad sa Purok Kalubihan, Daro, Dumaguete City.
Kaagad hinuli ang suspek matapos iabot ang limang gramong shabu sa undercover agent ng PDEA.
Nabawi pa mula sa kaniya ang 28 pakete ng shabu na may bigat na 300 gramo at nagkakahalaga ng P3 milyon.
Nahaharap ngayon si Cabasag sa kasong paglabag ng Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest