^

Probinsiya

Retarded na anak, pinagtataga ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa pagkapahiya sa inuman sa isang birthday party, isang 28- anyos na binatang may diperensya sa pagi-isip ang malubhang nasugatan makaraang pagta­tagain ng sariling ama sa Brgy. Pudtol, Apayao kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Dominick Adriano, magsasaka, na kasalukuyang nasa malubhang kalagayan habang nahaharap sa kasong frustrated parricide ang amang suspek na si Domingo Adriano, 51, isa ring magsasaka.

Sa ulat ng Cordillera Police, dakong alas-10:45 ng gabi habang nakikipag-inuman si Domingo sa mga bisita sa birthday party ng isa niyang kumpare nang dumating ang kanyang anak upang sunduing umuwi dahil malalim na umano ang gabi.

Dahil sa pagpupumilit ng binatang retarded na pauwiin ang ama, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa umalis ang una. Ilang minuto lamang ay sumunod ang ama na umuwi habang nagmumura pa umano sa daan.

Pagdating sa kanilang tahanan, agad na kumuha ng itak at pinagtataga ang  retarded na anak na sa kabila ng malubhang sugat na tinamo ay nagawa pang makatakbo.

Arestado ang naka­ta­tandang Adriano ng mga nagrespondeng pulis.

ACIRC

ADRIANO

ANG

APAYAO

ARESTADO

BRGY

CORDILLERA POLICE

DAHIL

DOMINGO

DOMINGO ADRIANO

DOMINICK ADRIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with