Kuya kinatay ni bunso
CAMARINES NORTE, Philippines – Matinding panibugho ang umiral sa 39-anyos na lalaki matapos nitong pagtatagain hanggang sa mapatay ang kanyang kuya sa Zone 2, Barangay Palangon sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur kamakalawa. Animo’y kinatay na baboy ang biktimang si Roberto dela Cruz, 41, ng Brgy Aslong habang nadakip naman ang suspek na si Rosendo dela Cruz ng nabanggit na barangay. Pinaniniwalaang personal na alitan kabilang na ang problema sa kani-kanilang pamilya ang namagitan sa magkapatid kaya naganap ang pamamaslang.
- Latest