^

Probinsiya

2 karnaper dedo sa shootout

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  – Napaslang ang dalawang holdaper/karnaper makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Molino 7, Bacoor City, Cavite kamakalawa. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng mga dalawa kung saan narekober ang cal. 45 pistol at cal.9mm, hindi nabatid na halaga ng pera, personal na gamit at ang kinarnap na Toyota Vios taxi (Dolojan) na may plakang UVD 358. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, bago maganap ang shootout ay hinoldap at kinarnap ng dalawa ang kotse ng biktimang si Alwin Asejo. Gayon pa man, nakahingi ng tulong sa pulisya ang biktima kaya inilatag ang operasyon. Imbes na sumuko ay nakipagbarilan ang dalawa hanggang sa mapatay. Wala namang makuhang identification cards sa dalawa habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

ALWIN ASEJO

ANG

BACOOR CITY

BARANGAY MOLINO

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

DOLOJAN

GAYON

IMBES

IMUS CITY

TOYOTA VIOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with