Fil-Am suspek sa pagpatay sa 23-anyos babae, timbog
MANILA, Philippines – Nasakote na ng mga tauhan ng United States Marshals ang pangunahing suspek sa brutal na pagpatay sa 23-anyos na babae kung saan ang bangkay nito ay natagpuan sa dike ng San Felipe, Zambales noong Hulyo 25, 2015, ayon kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino kahapon.
Sa impormasyong nakalap ni Mayor Paulino mula sa United States Embassy, walang binanggit na petsa kung kailan mae-extradite sa bansa ang 29-anyos na suspek na si Jonathan Dewayne Viane na nadakip noong Huwebes sa bahagi ng State of Iowa.
Samantala, si De la Cruz naman ay nasakote ng mga tauhan ng PNP Special Action Force sa Metro Manila noong Agosto 12, 2015
Si Viane at ang kasabwat na si Niño dela Cruz, ay kinasuhan ng murder sa regional trial court sa Zambales kaugnay sa pagpatay sa biktimang kawani ng supermarket na si Karie Ces “Aika” Mojica.
Natagpuan ang sunog na bangkay ng biktimana nakagapos ang mga kamay sa dike ng Sto. Tomas River sa nabanggit na bayan kung saan narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng cal. 9mm pistol.
Magugunita na sinabi ng ama ni Aika na si Josar Mojica na ang kanyang anak ay brutal na pinatay ng suspek na may matinding problema sa kanyang misis at anak.
Nabatid din na ang biktima at misis ng suspek na si Viane ay magkaibigan.
Nabatid din na ang biktima at kaibigang babae nito ay nakilala ang suspek sa gasolinahan noong Sabado ng madaling araw (Hulyo 25).
Gayon pa man, apat na oras bago iwan ng kaibigan ang biktima ay natagpuan ang bangkay nito sa nasabing lugar. Isinalin sa Tagalog ng patnugot
- Latest