Lalaki na pumatay sa mag-ina natagpuang patay sa selda
Batangas, Philippines - Palaisipan pa rin sa mga pulis nang matagpuang patay sa loob ng kanyang selda ang lalaking nag-amok at nakapatay sa mag-inang sina Mary Rose Señeres at Din-Din at ikinasugat ng tatlong iba pa noong Lunes sa bayan ng Sto. Tomas. Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay nagsasagawa ng routine inspection si PO1 Mara Ranada nang mapansin nito ang suspek na si Eric Evangelista na walang malay tao ng isugod sa ospital si Evangelista ay ideneklarang dead-on-arrival. Humingi na rin ng tulong sa SOCO mula sa Region 4 ang Sto. Tomas police para sa isang technical crime scene investigation at autopsy examination sa suspek.
- Latest