^

Probinsiya

46 nalason sa birthday party

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 46-katao ang nalason makaraang kumain ng fried chicken at pancit na inihanda sa selebrasyon ng birthday party sa Barangay San Sebastian, bayan ng Sta. Barbara, Iloilo kamakalawa. Sa inisyal na ulat na nakarating sa Office of Civil Defense Region 6, pritong manok at karne na inihalo sa pancit canton ang inihanda sa birthday party ng isang miyembro ng pamilya Agraviador. Gayon pa man, ilang oras matapos na kumain sa handaan ay nagsimulang sumakit  ang tiyan, pagkahilo, at pagsusuka ang mga biktima kaya isinugod sa Western Visayas Medical Center. Sa pahayag ng kasambahay ng pamilya, halos nagkadurug-durog na ang karne ng manok na iniluto kung saan ay mabaho na ang amoy nito. Isinailalim na sa pagsusuri ang sample ng pagkain  na inihanda sa birthday party upang kumpirmahin ang sanhi ng food poisoning.

vuukle comment

AGRAVIADOR

ANG

BARANGAY SAN SEBASTIAN

BIRTHDAY

GAYON

ILOILO

INIHANDA

ISINAILALIM

OFFICE OF CIVIL DEFENSE REGION

UMAABOT

WESTERN VISAYAS MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with