^

Probinsiya

Bagets nilamon ng ice crusher

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mistulang na gini­ling na karne ang katawan ng isang 17-anyos na binatilyo matapos na siya ay lamunin ng makina dumudurog ng yelo  o ice crusher sa fish port ng Brgy. Dugcal, Camaligan, Camarines Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Angelo Tacorda, residente ng Zone 2, Brgy Bagacay, Tinambac, Camarines Sur.

Sa imbestigasyon, dakong alas-7:45 ng gabi ay pumunta ang biktima sa nasabing lugar kasama ang kaibigan na si Norman Almadin,17 para kumuha ng durog na yelo na ginagamit sa paglalagay sa mga nahu­ling isda.

Habang namumulot ng mga durog na yelo ang biktima sa makina ay biglang umikot ang makina dahilan upang kainin ang kamay ng biktima.

Sa sobrang taranta at takot ni Almadin ay hindi nagawang matanggal mula sa pagkakasaksak ang nasa­bing ice crusher kaya’t unti-unting nilamon ang biktima ang kalahating katawan nito bago tuluyang mapatay ang switch.

Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad kung sinadya o aksidente lamang.

vuukle comment

ACIRC

ALMADIN

ANG

ANGELO TACORDA

BRGY

BRGY BAGACAY

CAMALIGAN

CAMARINES SUR

DUGCAL

HABANG

NORMAN ALMADIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with