6 lindol tumama sa Davao
MANILA, Philippines – Anim na katamtamang lakas na pagyanig ang tumama sa bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte, simula noong Sabado ng gabi hanggang Linggo ng hapon. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang pagyanig ay umabot sa magnitude 4.6 sa may 28-kilometrong layo sa hilagang bayan ng Santo Tomas noong Sabado ng gabi. Naramdaman ang lakas na Intensity 4 sa bayan ng Santo Tomas habang Intensity 3 naman sa Davao City. Kasunod nito, apat pang pagyanig ang naitala sa nasabing bayan na magnitude 3.5 habang magnitude 3.2 kahapon ng madaling araw. Naitala rin ang magnitude 3.4, 3.7 at magnitude 3.5 kahapon. Sa mga nasabing pagyanig ay wala namang napaulat na nasaktan at nawasak na ari-arian.
- Latest