^

Probinsiya

Magkaibigan pinagbabaril, 1 tepok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the spot ang isang 33-anyos na binata habang kritikal ang kaibigan matapos silang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Purok-2, Sitio Burabod,Brgy.Taysan, Legazpi City, Albay,kamakalawa ng gabi.

Nasapol ng bala sa leeg at agarang nasawi ang biktimang si Rommel habang nasa kritikal na kondisyon at patuloy na ­inoobserbahan sa pagamutan ang kasamahang si Limuel, 34-anyos,kapwa construction workers at residente ng Sitio Tognao ng naturang barangay.

Sa ulat,nakatambay ang dalawa at nag-uusap sa isang vape shop sa naturang lugar nang sa hindi malamang dahilan ay may bumato sa kanilang harapan ng isang bote ng gin na may lamang gasolina na may sindi ng apoy.

Hinabol ng mga biktima ang suspek na patakbong tumakas patungo sa bulubunduking lugar at malapit nang maabutan ay bigla silang pinagbabaril.

Tinamaan ng punglo sa leeg si Rommel na patay na bumulagta habang nasapol sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Limuel.

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang pagkikilanlan ng suspek at motibo sa krimen.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with