^

Probinsiya

Lalaking wanted na pumalag sa aresto, napatay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Lalaking wanted na pumalag sa aresto, napatay
Sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi ay bitbit ng mga pulis ang warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 7 ng Legazpi City laban sa suspek dahil sa kasong frustrated murder na isinampa ng kanyang kapatid noong 2024.
Pixabay

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isang 50-anyos na lalaking wanted sa batas ang nasawi nang ito ay manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya naganap kamakalawa ng gabi sa Purok-6, Sitio Atungal, Brgy. Banquerohan ng lungsod na ito.

Kinilala ang nasawing suspek sa pangalang Franky, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi ay bitbit ng mga pulis ang warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 7 ng Legazpi City laban sa suspek dahil sa kasong frustrated murder na isinampa ng kanyang kapatid noong 2024.

Nang makarating ang mga pulis sa bahay ng suspek ay pinayuhang sumuko ito,subalit pumalag umano ito at bumunot ng baril dahilan para paputukan siya ng isa sa mga operatiba na duguang bumulagta.

Mabilis na isinugod ang suspek sa Legazpi City Hospital pero ideneklarang dead-on-arrival.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with