^

Probinsiya

3 lunod sa beach resort

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines –  Tatlo-katao kabilang ang dalawang bata ang magkakasabay na sinalubong ni kamata­yan makaraang maligo sa beach resort sa Barangay Alangan, bayan ng Magsingal, Ilocos Sur kamakalawa ng umaga. Sa ulat na isinumite kay P/Senior Insp. Jaime Laguesma, hepe ng Ma­singal PNP, magkakasamang naligo sa beach resort ang mga biktima gamit ang salbabida nang hampasin ng mala­king alon kung saan inanod palayo sa dalampasigan. Dahil sa pawang hindi marunong lumangoy ay sunud-sunod na nalunod ang mga biktimang sina Maricar Tab, 9; Bea Tamargo, 10; at si Germi­nine Ascano, 21. Nasagip naman ang mga batang sina Jomar Alones, Angelo Tab, Irish Tab, Lea Alones, at si Princes Abigail Tamargo. Unang narekober ng rescue team ang bangkay ni Ascano habang natagpuan naman ang bangkay ng dalawang bata nang sumunod na araw.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELO TAB

ASCANO

BARANGAY ALANGAN

BEA TAMARGO

ILOCOS SUR

IRISH TAB

JAIME LAGUESMA

JOMAR ALONES

LEA ALONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with