Shootout: 3 suporter ng political clan, utas
MANILA, Philippines – Magkakasunod na napatay ang tatlong suporter ng political clan na tinangkang atakihin ang bahay ng ex-Army ranger makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Biyernes.
Namatay habang ginagamot sa ospital sina Samrani Talumpa “Badi” Liwas, 24; Kusi Ampatu Guimba, 54; at si Arham Palte Salindat.
Sugatan naman si P02 Hazel Manuel at ang mag-utol na sina Nhoc Talumpa, 20; at Amerudin Talumpa, 18.
Arestado naman ang 27-anyos na suspek na si Mohammad Guilly Paluwa.
Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Glenn Dulawan, rumesponde ang pangkat ng PNP sa nasabing lugar matapos makatanggap ng ulat na aatake sa bahay ni Roberto Ambona ang mga supporter ni Talumpa para ipaghiganti ang pagkamatay ni Lible.
Sa ulat ni Lt. Col. Audie Mongao, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division, lumilitaw na tinangkang lusubin ng mga supporter ni ex-Labangan Mayor Okol Talumpa ang bahay ni Ambona sa Barangay Tulawas.
Ayon sa pulisya, si Ambona ay isinasangkot sa pagpatay sa pamangkin ng nasabing mayor na si Lible Talumpa noong Huwebes.
Nasamsam sa mga suspek ang tatlong cal. 45 pistol, pickup truck at tatlong motorsiklo. Isinalin sa Tagalog ng patnugot
- Latest