^

Probinsiya

Totoy natusta sa sunog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Tustado ang 7-anyos na batang lalaki nang makulong sa loob ng kanilang bahay na nasunog sa Barangay Salitran 3 Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni Police Supt. Hermogenes Cabe, hepe ng pulisya sa lunsod ang bikimang si Emmanuel Ocampo, grade 1 student at residente ng Blk. 19 Lot 3 Barcelona St. Summer Meadows Brgy. Salitran 3 ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 12:30 ng tanghali ng maganap ang sunog, katatapos lamang umanong kumain ng tanghalian ng biktima kasama ang nanay nito na si Isabelita 62, kung saan saglit na lumabas ito ng bahay at naiwan ang biktima.

Ngunit ilang minuto lang ng bumalik si Isabelita ay nakita na niyang nag-aapoy ang ikalawang palapag ng kanilang bahay kung saan nandoon ang bata.

Dahil gawa lang sa light materials ang mga bahay sa nasabing lugar ay mabilis na kumalat ang apoy dito. Matapos maapula ang apoy ay nakita ang sunog na katawan ng bata.

Napag alaman na ka­gagawa at kakakabit lang umano ng mga electrical wires sa bahay ng biktima noong Lunes, malamang umano ito ang posibleng pinagsimulan ng sunog.

vuukle comment

BARANGAY SALITRAN

BARCELONA ST. SUMMER MEADOWS BRGY

CAVITE

DAHIL

DASMARI

EMMANUEL OCAMPO

HERMOGENES CABE

POLICE SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with