^

Probinsiya

Bangkay ng Pinoy na binitay, hindi na maiuuwi

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Hindi na maiuuwi pa sa South Cotabato ang bangkay ng overseas Filipino workers na binitay sa Saudi Arabia.

Ayon kay Nerlyn Esteva, asawa ng binitay na si Joven Esteva, inihayag nito na agad na inili­bing ang bangkay ng kanyang mister bilang isang tradisyon matapos itong magbalik-Islam.

“Pagkakaalam ko Maam nalibing na eh. Tapos kahit ‘yung friend niya nagsabi sa akin na si Nerlyn huwag ka nang umasa dahil totally 100% hindi na maiuwi ‘yung bangkay diyan ni Joven kasi alam mo naman  sitwasyon, nagbalik-Islam talaga siya,” pahayag ni Nerlyn

Si Nerlyn at ang apat na anak ay naninirahan nga­yon sa Purok Paghiliusa, Barangay Topland sa Koronadal City, South Cotabato.

Ayon naman sa kapatid ni Joven na si Alma Esteva dela Cruz ng Barangay Manili, Lutayan, Sultan Kudarat, hinihiling sana ng kanilang pamilya na maiuwi pa ang bangkay ng kanyang kapatid.

Dagdag pa nito na humi­ngi na sila ng tulong sa lokal na opisyal ng Sultan Kudarat at Department of Foreign Affairs (DFA) upang maiuwi ang bangkay ng kapatid.

Sa ngayon, hindi pa umano alam ng kanilang ina na binitay na si Joven.

Si Joven na namasukan bilang family driver ay pinatawan ng parusang kamatayan dahil sa pagpatay sa kaniyang Saudi employer noong 2007.

Nagawa umano nito ang krimen matapos silang magtalo ng kanyang among doktor ng hindi siya pinayagan na makauwi sa bansa dahil sa pagkakasakit.

ALMA ESTEVA

AYON

BARANGAY MANILI

BARANGAY TOPLAND

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JOVEN

JOVEN ESTEVA

KORONADAL CITY

SOUTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with