^

Probinsiya

Ambush: 5 Army utas, 6 sugatan

Joy Cantos at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang limang sundalo habang anim naman ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tropa ng militar sa bulubunduking bahagi ng highway sa Barangay Legleg, bayan ng Quirino, Ilocos Sur noong Huwebes ng gabi. Sa phone interview, sinabi ni Captain Mark Anthony Ruelos, Army’s spokesman ng 7th Infantry Division, naganap ang pananambang sa convoy ng military truck at ng PNP sa bulubunduking bahagi dakong alas-7 ng gabi. Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay dumepensa ang tropa ng 51st Infantry Battalion ng Phil. Army hanggang sa magsiatras ang mga rebelde bitbit ang mga sugatang kabaro. Pansamantalang tumanggi munang tukuyin ang pangalan ng mga biktimang napatay na dinala sa kampo ng 81st Infantry Battalion sa Fort Magsaysay. Nabatid na pabalik na sa himpilan ng Army mula sa pagpapatrulya nang tambangan ng mga rebelde.

vuukle comment

BARANGAY LEGLEG

CAPTAIN MARK ANTHONY RUELOS

FORT MAGSAYSAY

HUWEBES

ILOCOS SUR

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

NABATID

NAPATAY

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with