^

Probinsiya

Sinunog, sinimentong bangkay nakilala na

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kinilala na ng pulisya ang bangkay na sinunog saka sinimento sa drum bago inabandona sa gitna ng palayan sa Barangay Parada, bayan ng Santa Maria, Bulacan noong Biyernes ng gabi.

Naging susi sa pagkakakilanlan ang tatoong GL sa biktimang si Mark Anthony “Tornek” Guarin, 23, ng Northville 4B, Barangay Lambakin sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Ayon kay PO2 Jonathan Mañacap, huling nakitang buhay ang biktima na umalis sa kanilang bahay ng kanyang ka-live-in na si Jazel “GL” Historello dahil sa simpleng away noong Pebrero 10.

Subalit ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa bumabalik ang biktima hanggang sa matagpuan ang kanyang katawan na nakasilid sa loob ng drum sa Sitio Ibayong Tabon sa nasabing barangay.

Bago maganap ang insidente, lumilitaw na binisita ng dalawang kaibigan ang biktima saka binigyan ito ng malaking halaga bilang balato sa ginawang modus operandi sa Caloocan City.

Pinaniniwalaang miyem­bro ng Akyat-Bahay Gang ang dalawang kaibigan ng biktima na kapwa nawawala rin hanggang sa kasalukuyan.

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY LAMBAKIN

BARANGAY PARADA

BULACAN

CALOOCAN CITY

JONATHAN MA

MARK ANTHONY

SANTA MARIA

SITIO IBAYONG TABON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with