^

Probinsiya

2 ex-mayors timbog sa raid sa shabu laboratory

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kulungan nagdaos ng Araw ng mga Puso ang dalawang magpinsang mga dating alkalde makaraan ang mga itong mahulihan ng bulto ng mga kemikal sa paggawa ng droga sa isinagawang  magkakahiwalay na raid sa dalawang shabu laboratory sa Masbate City nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek  na sina  Lester Abapo alyas Cherry Boy, dating alkalde sa San Fernando at kasalukuyang incumbent Chairman ng Brgy. Magallanes, Masbate City  at Bernadito Abapo, dati namang alkalde ng Milagros, Masbate.

Ayon kay Chief Inspector Roque Merdeguia, Spokesman ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) dakong alas-6 ng umaga ng salakayin ng kanilang mga tauhan at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang laboratory ng shabu sa dalawang compound sa lungsod.

Sinabi ni Merdeguia na ang sinalakay ng laboratoryo ng shabu ay ipinatayo umano ng Chinese drug lord na tinukoy na si Ponga Lee alyas Co, ng dalawang suspek at iba pang mga kasabwat ng mga ito sa sindikato ng droga sa Bicol Region.

Ayon kay Merdeguia, isa sa shabu laboratory ay matatagpuan sa Sitio Cagba, Brgy. Tugbo ng lungsod na pinangangasiwaan ni  Bernadito at ang isa pa sa Brgy. Nursery ng nasabi ring siyudad na pinamamahalaan naman ni Cherry Boy.

Nakumpiska sa raid ang bultu-bulto ng mga kemikal sa paggawa ng shabu,  mga kagamitan sa laboratoryo saka mga armas. Patuloy naman ang inventory sa mga nasamsam na epektos upang mabatid ang halaga nito.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Anti-Dangerous Drugs Act ang mga naligaw ng landas na mga dating lokal na opisyal.

AYON

BERNADITO ABAPO

BICOL REGION

BRGY

CHERRY BOY

CHIEF INSPECTOR ROQUE MERDEGUIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

MASBATE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with