^

Probinsiya

Jeepney vs motorbike: 3 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng pa­milya kabilang ang dalawang bata ang namatay habang isa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang magsalpukan ang pampasaherong jeepney at motorsiklo sa Raja Muda Mandi Road, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Inspector Dahlan Samuddin, spokesman ng PNP regional office, ang mga biktima na sina Clarence Gutib, 3; Janylle Gutib, 5; at si Edward Gutib, ama ng dalawang bata.

Patuloy namang ginagamot sa Brent Hospital ang ina na si Monina Gutib.

Lulan ng motorsiklo ang mag-anak nang mabangga ng pampasaherong jeepney (JVB-937) na minamaneho ni Mohammad Nur Tindin Pangambayan na patungo sa kanlurang destinasyon.

Masyadong mabilis ang jeepney kaya tuluy-tuloy na sinalpok ang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima kung saan sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mag-anak.

Arestado naman ang driver ng jeepney na ngayo’y humihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

BRENT HOSPITAL

CLARENCE GUTIB

EDWARD GUTIB

INSPECTOR DAHLAN SAMUDDIN

JANYLLE GUTIB

MOHAMMAD NUR TINDIN PANGAMBAYAN

MONINA GUTIB

RAJA MUDA MANDI ROAD

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with