^

Probinsiya

Akyat-bahay tiklo sa kinulimbat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang 27-anyos na miyembro ng Akyat-Bahay Gang makaraang maaktuhang bitbit ang mga kinulimbat na gamit mula sa bahay ng mag-asawa sa Barangay Dela Paz sa Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Jojo Villaruz ng Barangay Kamuning, Quezon City. Nasakote ang suspek matapos ireklamo ni Angeline Andula ang ginawang panloloob ng suspek. Nabatid na tiniyempuhan ng suspek na umalis ng bahay ang mag-asawang Andula para dumalaw sa kamag-anak. Subalit makalipas ang dalawang oras ay tumawag sa kanya ang pamangkin kaugnay sa pagpasok ng suspek sa kanilang bahay matapos wasakin ang salamin ng bintana. Agad na umuwi ang mag-asawa kung saan natuklasan na maraming kagamitan sa bahay ang tinangay ng suspek. Agad na nagreklamo sa barangay hall ang misis kaya nasakote ang suspek habang nag­lalakad na bitibit ang mga gamit.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

ANDULA

ANGELINE ANDULA

ANTIPOLO CITY

BARANGAY DELA PAZ

BARANGAY KAMUNING

JOJO VILLARUZ

QUEZON CITY

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with