^

Probinsiya

Misis inutas ng mister na pulis dahil sa sundalong lover

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa hindi matanggap na hiniwalayan at ipinagpalit siya sa isang sundalo, pinagbabaril at napatay ng bagitong pulis ang kaniyang 38-anyos na misis sa Barangay Poblacion, bayan ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Michell Abracia Balde habang arestado naman ang suspek na si PO2 Rolly Balde, nakatalaga sa Kabasalan PNP.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril sa inuupahang kuwarto ng biktima sa boarding house.

Sa pahayag ng mga residente, sinugod ng suspek ang boarding house ng biktima  matapos na  madiskubre ang pagtataksil nito na may karelasyong sundalo.

Narinig ng mga residente na nagsisigawan ang mag-asawa sa loob ng boarding house na humantong sa pamamaril.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BIKTIMA

CAMP CRAME

DAHIL

KABASALAN

KINILALA

MICHELL ABRACIA BALDE

NARINIG

ROLLY BALDE

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with