^

Probinsiya

Kinidnap na Koreano pinalaya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang 16-araw na pagkakabihag, pinalaya na ng mga kidnaper ang Koreanong mining executive sa bayan ng Saguiaran, Lanao del Norte noong Martes ng gabi.

Sa ulat ni Army’s 1st Infantry Division spokesman Captain Salvador Suelto, kinilala ang bihag na si Sung Ki Yoon.

Base sa ulat, kasaluku­yang nagsasagawa ng checkpoint ang mga awtoridad nang mamataan  ang biktima sa bisinidad ng Barangay Pawak bandang alas-11 ng gabi.

Agad namang tinulungan ng mga operatiba ng pulis­ya ang pagod na pagod na Korea­no habang naglalakad.

Itinurnover naman ang Koreano kay P/Chief Inspector Mike Duran, hepe ng PNP Anti Kidnapping Task Force kung saan agad itong isinailalim sa debriefing.

Bandang alas -12  naman ng hatinggabi nang salubu­ngin ng kaniyang pamilya si Yoon sa Iligan City kung saan inaalam kung nagbayad ng ransom ang pamilya ng bihag kapalit ng kalayaan nito

Magugunita na ang biktima na nakabase sa Cagayan de Oro City ay dinukot ng mga di-kilalang kalalakihan noong Enero 19 matapos itong bumiyahe sa Marawi City, Lanao del Norte.

ANTI KIDNAPPING TASK FORCE

BARANGAY PAWAK

CAPTAIN SALVADOR SUELTO

CHIEF INSPECTOR MIKE DURAN

ILIGAN CITY

INFANTRY DIVISION

LANAO

MARAWI CITY

NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with