Banko nilooban: P.7-M tangay
BATANGAS, Philippines – Umaabot sa P.7 milyong cash ang natangay ng grupo ng kawatan matapos pasukin ang isang rural bank sa bayan ng Sta. Teresita, Batangas noong Sabaro ng gabi.
Ayon sa hepe ng Sta. Teresita PNP na si P/Senior Inspector Allan Nidua, pinasok ng mga kawatan ang Mt. Carmel Rural Bank sa Barangay Bihis sa nasabing bayan.
Base sa police report, bandang alas-7:40 ng umaga nang madiskubre ng security guard na si Simplicio Maranan, Jr. ang malaking butas sa sahig ng banko at nagkalat ang mga gamit sa loob ng nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon, lumilitaw na pumasok ang mga kawatan sa manhole na nasa gilid ng highway bago naghukay patungo sa kanal ng banko na may 5 hanggang 10 metro ang layo.
Kinumpirma naman ng bank manager na si Irene Apuntar ang halagang nawawalang pera mula sa kanilang safety vault.
“Winasak nila nang buo ang pinto ng vault at hindi ginamitan ng acetelyn,” pahayag ng sekyu
May teorya ang pulisya na Sabado o Linggo pinasok ng mga magnanakaw ang banko dahil walang security guard sa mga oras na iyon.
Kasalukuyang nirerebisa ng pulisya ang nakuhang CCTV camera footages mula sa security system ng banko para kilalanin at maaresto ang mga suspek.
- Latest