^

Probinsiya

2 piloto ng PAF dedo sa plane crash

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - Dalawang piloto ng Phil. Air Force ang namatay makaraang bumag­sak ang kanilang trainer plane habang nagsasagawa ng air exhibition sa Barangay Bucana, ba­yan ng Nasugbu, Batangas kahapon ng umaga .

Kinilala ni P/Chief ­Inspector Pablo Aguda, hepe ng Nasugbu PNP ang mga biktima na sina 1st Lt. Nazer Jana at Captain John Bayao na mga bete­ranong piloto ng Philippine Air Force.

Ayon sa report, nagsasagawa ng practice air exhibition ang dalawang piloto para sa gaganaping selebrasyon ng Libe­ration Day gamit ang SF-260FH No.1034 nang magkaproblema ang makina hanggang sa bumagsak sa karagatan na may 150 metrong layo sa dalampasigan ng Barangay Bucana sa nasabing bayan bandang alas-9:45 ng umaga

Nabatid na nagtake-off ang nasabing eroplano sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas  bandang alas-9:07 ng umaga.

Kaagad na rumesponde ang search and rescue team ng Philippine Air Force kabilang ang ilang chopper mula sa Villamor Air Base sa Pasay City para hanapin ang dalawang piloto.

Matapos ang ilang oras na paghahanap ay narekober ang mga bangkay ng dalawang piloto sa may 20-metrong lalim ng dagat kung saan dinala na sa Maynila.

Kaugnay nito, sinabi ni PAF spokesperson Col. Rico Canaya na bumuo na ang PAF ng probe team upang imbestigahan ang sanhi ng pagbagsak ng training aircraft.

vuukle comment

AIR

AIR FORCE

BARANGAY BUCANA

BATANGAS

CAPTAIN JOHN BAYAO

FERNANDO AIR BASE

INSPECTOR PABLO AGUDA

LIPA CITY

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with