^

Probinsiya

Tanod itinumba ng tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 50-anyos na barangay tanod matapos itong barilin ng riding-in-tandem gunmen sa harapan ng tindahan sa Barangay Bongga Menor, bayan ng Bustos, Bulacan kamakalawa ng hapon. Isang tama ng bala ng cal.45 pistol sa ulo ang tumapos sa buhay ni Raul Gatuz ng nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni PO2 Gideon Vera, nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kaibigang lalaki sa harap ng tindahan nang lapitan at barilin sa ulo bandang alas-5:30 ng hapon. Hindi naman idinamay ang kaibigan ng biktima na sinasabing natulala sa nasaksihang pamamaril. Kaagad na tumakas ang gunmen patungo sa direksyon ng Barangay Tanawan habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY

BARANGAY BONGGA MENOR

BARANGAY TANAWAN

BARILIN

BULACAN

GIDEON VERA

ISANG

KAAGAD

PINABULAGTA

RAUL GATUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with