^

Probinsiya

Truck vs Sports Utility Vehicle: 2 patay 2 pa grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi habang da­lawa ang grabeng nasugatan nang aksidenteng magbanggaan ang isang Sports Utility Vehicle (SUV) at kasalubong nitong mini truck  sa Dagupan City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Willie Agsaoay at Mark Jacinto; pawang residente ng Brgy. Tebag ng nasabing lungsod. Isinugod naman sa ospital sina Marck Jacinto at Jeofrey Agpalasin, 31, residente ng Brgy  Tebag, Sta. Barbara ng nasabing siyudad.

 Sa report ng Dagupan City Police, naganap ang sakuna sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Carangalan Dagupan City bandang ala-1 ng mada­ling araw.

Nabatid na nag-overtake ang SUV na minamaneho ni Jacinto sa isang tricycle at aksidenteng nasalpok ang mini truck na dala ni Agsaoay. Kapwa idineklarang dead-on-the-spot ang mga biktima.

BRGY

DAGUPAN CITY

DAGUPAN CITY POLICE

JEOFREY AGPALASIN

MARCK JACINTO

MARK JACINTO

SPORTS UTILITY VEHICLE

TEBAG

WILLIE AGSAOAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with