3 Sayyaf tumba sa encounter
MANILA, Philippines – Tatlong bandidong Abu Sayyaf ang napaslang habang anim pa ang nasugatan makaraang makasagupa ng tropa ng militar sa magkakahiwalay na bakbakan sa bayan ng Sumisip, Basilan kamakalawa. Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, hepe ng AFP Public Affairs Office, nakasagupa ng Army’s 104th Brigade ang grupong Abu Sayyaf sa ilalim nina Commander Juhaible “Abu Kik” Alamsirul sa Brgy. Pamantsaken, bayan ng Sumisip kung saan napatay si Yusof Sandatan. Bandang ala-1:38 ng hapon habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo nang muling makasagupa ang grupo naman nina Radzmil “Khubayb” Janatul at Juhaibel Alamsirul sa Sitio Crossing Baiwas, Brgy. Baiwas. Tatlong bandido ang napatay habang lima pang karagdagan ang nasugatan. Narekober naman ang bomba na itinanim ng mga bandido sa lumang gusali sa Brgy. Baiwas na agad namang nai-detonate.
- Latest