^

Probinsiya

73-anyos ninakawan, inutas ng mag-lover

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 73-anyos na lolo matapos itong saksakin at gilitan ng mag-lover ay pinagnakawan pa ng malaking halaga sa Barangay Ibayong Silangan sa bayan ng Naic, Cavite kamakalawa ng gabi.

Sa police report na nakara­ting sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, dakong alas-11:30 ng gabi nang matagpuan sa kanyang bahay ang duguang katawan ng biktimang si Romer Perez kung saan tinakluban pa ng unan ang mukha nito.

Pinaghahanap naman ng mga operatiba ng pulisya ang mag-lover na suspek na sina Ilene Alipio, 22, ng Porac, Pampanga; at Abdullah Lacongay.

Base sa ulat, namataan ang mga suspek na may bitbit na backpack na lumabas ng bahay ng biktima bandang alas-10:30 ng gabi kung saan nagmamadaling sumakay ng motorsiklo ang dalawa.

Sa imbestigasyon ng pulis­ya, lumilitaw na naging nobya ng biktima si Alipio kung saan nakilala nito sa Jyen KTV Bar sa Barangay Sabang sa bayan ng Porac. Ipinakilala naman ni Alipio sa biktima na si Lacongay ay kapatid niyang lalaki kaya isinama na sila sa bayan ng Naic.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nawawala ang tatlong cellphone ng biktima at hindi pa mabatid na halaga ng pera na pinaniniwalaang tinangay ng mag-lover.

vuukle comment

ABDULLAH LACONGAY

ALIPIO

BARANGAY IBAYONG SILANGAN

BARANGAY SABANG

CAMP PANTALEON GARCIA

ILENE ALIPIO

IMUS CITY

NAIC

PORAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with