^

Probinsiya

Natalo sa suntukan tinodas ang kainuman

Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Dahil sa pagkatalo sa suntukan, namaril ang isang negosyante kung saan napatay ang kanyang kaaway habang malubha naman ang isa sa Barangay Lalig, bayan ng Tiaong, kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Liwag Hospital sanhi ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa leeg ang biktimang si Pablito Zagala, 70, ng Barangay Quipot habang ginagamot naman  sa ospital dahil sa tama sa batok ang kasama nitong  si Narciso de los Reyes na kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Don Dia.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:30 ng hapon ay magkasamang nag-iinuman ang suspek at Zagala.

Gayon pa man, nang malasing ay nagsuntukan ang dalawa subalit natalo ang  suspek.

Nagpasya ang biktima na umuwi sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Narciso subalit sa di-kalayuan ay natanaw nila ang suspek kaya ipinasya nilang bumalik at mag-iba ng daan.

Sumunod ang suspek na sakay din ng motorsiklo kung saan nilapitan at pinagbabaril ang mga biktima. Tony Sandoval

vuukle comment

BARANGAY LALIG

BARANGAY QUIPOT

DAHIL

DON DIA

GAYON

LIWAG HOSPITAL

NAGPASYA

NARCISO

PABLITO ZAGALA

TONY SANDOVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with