^

Probinsiya

Misis kinatay ng ex-lover, 3-anyos anak sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Dahilan sa matinding selos, tinadtad ng saksak ng isang nabur­yong na mister ang kanyang dating kinakasama  na idinamay pa ang 3 anyos na sariling anak  kama­kalawa sa Queensrow West, Bacoor City.

Idineklarang dead-on-arrival­ sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Mylene Justiniani, 31-anyos.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 3 anyos na anak nitong si Jack Dondoyano, nasa ligtas ng kalagayan.

Kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya ang tumakas na suspek na si Alvin Dondoyano, nasa hustong gulang, driver ng multicab at residente ng Brgy. Queensrow East ng lungsod na ito, ama ng batang biktima.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Legaspi  kasalukuyang lulan ng motorsiklo ang mag-ina nang madaanan ang suspek kung saan nag-usap ang dating magkarelasyon na nauwi sa matinding komprontasyon.

Nabatid na nagseselos ang suspek sa biktima dahilan sa hinalang may iba na itong minamahal at dito’y nagkasakitan pa ang mga ito.

Nairita naman ang suspek matapos na mapahiya kaya kinuha ang patalim at inundayan ng saksak ang ginang gayundin ang kaniyang 3-anyos na anak saka mabilis na tumakas.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito.

vuukle comment

ALVIN DONDOYANO

BACOOR CITY

BRGY

JACK DONDOYANO

MICHAEL LEGASPI

MYLENE JUSTINIANI

PATULOY

QUEENSROW EAST

QUEENSROW WEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with