Truck vs 13 sasakyan: 18 sugatan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa 18-katao ang nasugatan matapos araruhin ng delivery truck na nawalan ng preno ang 13-sasakyan sa kahabaan ng Kennon Road sa Barangay Poliwes, Baguio City noong Sabado ng gabi.?
Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang driver ng truck na si Jose Sacla Paguli, 30, ng Atok Trail, Loakan Road nasabing lungsod.?
Naisugod naman sa Baguio General Hospital ang mga sugatang sina Mary-anne Leganio Sacla, Mary Grace Lopez Dulay, Hanna Aguinaldo Aparri, Lheanne Tikangan Bayo, Wynn Melody Sumalbag Aguinaldo, Jessica Bayo Cayat, Nash Nathaniel Estupido Daluyen, Eden Docyogen Molintas, Soledad Bulgan Colpita, Lorgie Daluyen, Linda Maranes, Marites Villareal Esmabe, Riza Musico, Terisita Mariñas Arabis, at si Carla Dante.?
Sa police report na nakarating sa hepe ng Baguio City Police Office-Traffic Management Branch na si P/Supt. Evelio Degay, ilan sa mga nakarambola ng truck ni Paguli na pag-aari ng PR2 Gas Corp. ay mga kotse, taxi, jeepney at isang mini-dump truck. Inihahanda ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to multiple injuries laban kay Paguli na kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan.
- Latest