22 nalason sa pinulutang aso
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa 22- manginginom ang nalason dahil sa pinulutang asong may sakit sa Barangay Daldagan, bayan ng Galimuyod, Ilocos Sur kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Napoleon Eleccion Jr., hepe ng Galimuyod PNP, pinaniniwalaang may rabies ang pinulutang aso at malapit nang mamatay matapos katayin at lutuin ni isang alyas Anton. Karamihan sa mga biktimang manginginom ay nanakit ang tiyan, nahilo at nagsuka matapos mamulutan ng asong may sakit bago isinugod sa St. Martin de Pores Hospital sa Candon City.? Pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan sa mga biktima habang inoobserbahan sa nasabing ospital. Sinabi ng hepe na wala pang opisyal na findings ang mga doctor kaugnay sa food poisoning habang pinag-aaralan naman ng pulisya na kasuhan si Anton at ang mga biktima ng paglabag sa batas kaugnay sa pagmamalupit sa hayop.
- Latest