6.4 magnitude na lindol tumama sa Sultan Kudarat
MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Sultan Kudarat ngayong Martes ng hapon, ayon sa state volcanology.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa timog-kanlurang bahagi ng bayan ng Kalamansig kaninang 1:11 p.m.
May lalim na 619 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity II sa Bislig City, ayon pa sa Phivolcs.
Wala namang naitalang nasugatan sa pagyanig, ngunit nagbabala ang ahensya sa maaaring aftershocks na maranasan.
- Latest