^

Probinsiya

Sayyaf kidnapper timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumagsak sa mga awtoridad ang isang notoryus na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom (KFR) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Landang Laum, Sacol Island, Zamboanga City nitong Biyernes.

Kinilala ni Captain Rowena Muyuela, Spokesperson ng AFP Western Mindanao Command ang nasakoteng suspek na si Wahid Pingli alyas Gaffur na nasamsaman ng isang Elisco M16 na may magazine at 17 rounds ng mga bala.

Ayon kay Muyuela bandang alas-4:30 ng mada­ling araw ng masakote ng tropa ng Joint Task Group Zamboanga ng AFP at ng Zamboanga City Police ang suspek sa nasabing lugar.

Sa tala, si Pingli ay may nakabimbing warrant of arrest  kaugnay ng kasong kidnapping at serious illegal detention na inisyu ni Regional Trial Court-Zamboanga City Branch 14 Judge Reynerio Estacio.

Kabilang naman sa mga naging biktima ng grupo ni Pingli ay ang negosyanteng si Inocente Bautista na dinukot noong Mayo 27, 2008 sa Brgy. Tetuan sa lungsod ng Zamboanga. Ang biktima ay pinalaya noong Hunyo 9 ng nasabi ring taon sa Brgy Manicahan ng naturan ring siyudad. Gayundin ang pagdukot kay Vicente Barrios, 60 anyos noong Hunyo 17, 2010 sa Brgy. Bolong, Zamboanga City na pinalaya naman noong Agosto 2. 

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

BRGY MANICAHAN

CAPTAIN ROWENA MUYUELA

HUNYO

INOCENTE BAUTISTA

JOINT TASK GROUP ZAMBOANGA

JUDGE REYNERIO ESTACIO

LANDANG LAUM

PINGLI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with