^

Probinsiya

2 dedo sa clan war; 400 pamilya nagsilikas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang nasawi makaraang muling sumiklab ang clan war o rido sa pagitan ng magkalabang angkan habang nasa 400 namang pamilya ang nagsilikas sa karaha­san sa bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Nasrudin Tayuan at Pua Mangad­ta; pawang mula sa grupo ni Brgy. Langayen Chairman Norhan Hamid.

Sa ulat ng North Cotabato Police, nagsagupa ang grupo ni Hamid at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) 105 Base Command sa pamumuno naman ni Commander Kuyo sa Brgy. Langayen, Pikit ng lalawigan bandang alas—8 ng umaga.

Agad na nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng armadong grupo ni Kuyo at Hamid sa nasabing pagpapanagpo.

Samantalang ang insidente ay nagbunsod rin sa paglikas ng nasa 400 pamilya mula sa Brgy. Kolambog at Tapodok sa takot na maipit sa bakbakan ng magkalabang angkan.

BASE COMMAND

BRGY

COMMANDER KUYO

HAMID

LANGAYEN CHAIRMAN NORHAN HAMID

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NASRUDIN TAYUAN

NORTH COTABATO

NORTH COTABATO POLICE

PIKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with