^

Probinsiya

Higit 3K magsasaka sa Bicol nabigyan ng titulo ng lupa

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Higit 3K magsasaka sa Bicol nabigyan ng titulo ng lupa
Photo shows farmers harvesting their plot of land in Rosario, La Union on October 4, 2024.
STAR/ Andy Zapata

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasa 3,296 bilang ng mga magsasaka mula sa apat na lalawigan ng Bicol Region ang walang pagsidlan ng tuwa at pasasalamat sa gob­yerno ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos na matanggap nila kahapon ang titulo ng kani-kanilang lupang sinasaka sa ginawang distribusyon ng mga land titles at certificates of condonation at release of mortgage sa ginawang programa sa Legazpi City Convention Center sa lungsod na ito.

Pinangunahan ang distribusyon ng mga titulo ng lupa ni Department of Agrarian Reform-Bicol regional director Theodore Sindac at Sen. Imee Marcos bilang pangunahing bisita.

Ayon kay Sen. Marcos, nasa 3,691 titulo ang kanilang ipinamigay sa 3,296 na mga agrarian reform benefi­ciaries (ARBs) mula sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes, Masbate at Sorsogon na may kabuuang mahigit sa 5,397-ektarya ang area covered. Nasa P88,810,223.61 ang halaga ng nasakop sa condonation program kung saan wala nang bayarin ang mga magsasaka.

Sinabi naman ni Sindac, na ang naipamigay kama­kalawa ay halos mahigit 10-porsyento pa lamang sa mahigit 34-libong benepisyaryo na dapat makatanggap ng titulo.

Sa susunod na mga buwan, mamamahagi rin ng titulo ng lupa ang mabibigyan sa mga magsasaka sa Camarines Norte at Camarines Sur.

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with