Sundalo ng Phil. Marine, nagbigti
CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang may matinding problema sa kabuhayan ang 27-anyos na sundalo ng Phil. Marine kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa kanilang bodega kahapon ng umaga sa Barangay Bagong Kalsada, bayan ng Naic, Cavite. Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Aries John Plata na dating overseas Filipino worker at nakatira sa nasabing barangay. Ayon kay P01 Mark Allan Arcusa, huling namataang buhay ang biktima na pumasok sa kanyang silid kung saan nag-text pa ito sa kanyang kasintahan ng pamamaalam.
- Latest