Surigao niyanig ng lindol
MANILA, Philippines – Niyanig ng lindol na may lakas na 5.5. magnitude ang Surigao del Norte kahapon ng tanghali. Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (PHivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa 101 kilometro ng hilagang silangan ng General Luna Surigao del Norte. Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng naturang lindol at may lalim na 10 kilometro. Bunga nito, naitala ang lakas ng lindol sa intensity 1 sa Surigao City. Wala namang naitalang naapektuhan sa panig ng mga tao at mga ari-arian subalit inaasahan na magkakaroon ng aftershocks.
- Latest


















