Ambush: Councilor patay
MANILA, Philippines – Napaslang ang beteranong municipal councilor habang sugatan naman ang isang negosyante matapos na tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.
Idineklarang patay sa De Villa Hospital ang biktimang si Councilor Sarabon Bawa ng bayan ng Tungawan habang ginagamot naman ang sugatang negosyante na kasama nito na si Aida Bawa, 52.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, ang dalawa ay lulan ng Mazda Elf nang sundan at mag-overtake ang motorcycle riding tandem.
Agad na pinagbabaril ang mga biktima kung saan napuruhan sa pananambang ang nasabing councilor.
Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang masusing imbestigasyon.
- Latest






















