^

Probinsiya

Mag-asawang NPA, sumuko

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Hindi na makayanan ng mag-asawang miyembro ng New People’s Army ang hirap at pagod sa pagtatago sa kabundukan kaya nagdesisyon ang mga ito na sumuko sa pamahalaan sa bayan ng Magpet, North Cotabato kamakalawa. Kinilala ni 57th Infantry Battalion commanding Officer Col. Nilo Vinluan ang mag-asawa na sina Marco Engay, 39; at Gina Calimpitan, 34, kapwa tinaguriang Papa at Mama Daku. Kasama ang anak na bata, sumuko ang dalawa kay Sgt. Morales ng 57th IB na nakabase sa Barangay Imamaling sa bayan ng Magpet. Nabatid na pinangakuan ang mag-asawa ng P4,000 kada buwan para umanib sa makakaliwang kilusan kung saan kasama sila sa umatake sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Pres. Roxas noong Mayo. Sa tala ng AFP, aabot na sa 300 NPA ang sumuko kasama na ng kani-kanilang armas mula noong 2013.

 

vuukle comment

BARANGAY IMAMALING

GINA CALIMPITAN

INFANTRY BATTALION

MAGPET

MAMA DAKU

MARCO ENGAY

NEW PEOPLE

NILO VINLUAN

NORTH COTABATO

OFFICER COL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with