^

Probinsiya

Lolo inutas ng chairman

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang matinding alitan ang isa sa motibo kaya pinatay ang 72-anyos na lolo matapos itong pagbabarilin ng barangay chairman at kasama nito sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite kamakalawa.?

Idineklarang patay sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si Policarpio “Pio” Nueva Jr., magsasaka at nakatira sa Barangay Lapidario habang pinag­hahanap naman ang mga suspek na si Chairman Jaimer Sierra at Marlon Sierra na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, bumibili ng sigarilyo sa tindahan ang biktima nang lapitan at ratratin ng mga suspek. Kahit sugatan ay nakatakbo pa ang biktima subalit muling pinutukan. Kaagad na tumakas ang mga suspek lulan ng metallic brown na Toyota Fortuner na may plakang SHG 955.

 

BARANGAY AGUADO

BARANGAY LAPIDARIO

CAMP PANTALEON GARCIA

CHAIRMAN JAIMER SIERRA

EMILIO AGUINALDO MEMORIAL HOSPITAL

MARLON SIERRA

NUEVA JR.

TOYOTA FORTUNER

TRECE MARTIRES CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with