^

Probinsiya

Dalaga tigpas ang leeg sa ama!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines - Patay ang isang 24-anyos na dalaga matapos tagain sa leeg ng sariling ama gamit ang isang bolo dahil sa pagsagot-sagot ng pabalang sa ama na nauwi sa mainitang pagtatalo sa Brgy. Zapote 3, Bacoor City kamakalawa.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktima na si Glaiza Arzena, empleyada, residente ng Kataasan, Brgy. Zapote 3 bunga ng malalim na sugat sa leeg.

Agad na naaresto ang ama ng biktima na si Adrenitico Arsena, 64, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Albert Badocdoc, may hawak ng kaso, alas-6:00 ng umaga nang umano’y magkaroon ng pagtatalo ang mag-ama. Dahil sa pabalang na pagsagot-sagot ng dalaga sa ama, napikon ang huli at nag-init ang kanyang ulo. Mabilis siyang pumasok ng kusina at paglabas ay armado na ng bolo.  Agad na sinugod ang anak at walang sabi-sabing tinaga sa leeg.

Duguang bumulagta ang biktima, na agad namang naitakbo sa pagamutan subalit dahil sa lalim ng taga na inabot nito ay hindi na naisalba pa ng mga manggagamot.

Sa tulong ng mga barangay officials at tanod sa kanilang lugar, naaresto ang suspek at ipinasa sa himpilan ng pulisya.

 

vuukle comment

ADRENITICO ARSENA

ALBERT BADOCDOC

BACOOR CITY

BRGY

DAHIL

DUGUANG

GLAIZA ARZENA

KATAASAN

MABILIS

NAMATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with